Monthly Archives: February 2016

Commitment

Sa matagal kong pag-aaral, natutunan ko ang 5 C’s na sumisimbolo sa Lasallian Star.  Ito ay: Confident, Competent, Christian, Committed, Compassionate.  Upang hindi namin makalimutan, gagamitan namin ito ng kamay.  Mula sa hinlalaki pakanan, dito magsisimula ang aming pagkakabisa.  Approved sign ang gamit ng hinlalaki kaya ito ang analogous ng pagiging confident.  Ang hintuturo ay may makakagawa ng number 1 sign, meaning nangunguna, kaya sinisimbulo nito ang pagiging competent.  Ang panggitnang daliri ay sumisimbulo ng pagiging Kristiyano sapagkat ang mga ginagawa natin ay dapat Christ-centered.  Ang palasinsingan ang pinaglalagyan natin ng singsing  na nagpapakita sa tao na tayo ay committed.  At ang ating hinliliit, dahil pinakamaliit, pinapaalala sa atin ang pagkakaroon ng compassion lalo na sa mga nakababa sa atin.

Balik tayo sa Commitment.  Ang isa sa pang-habangbuhay nating commitment ay pag-profess ng vow.  Isa dito ang Marriage.  It is not about getting married.  It is about staying married.

Maraming taon ang nakakaraan, may nakita akong 2 senpais.   Sa aming Parokya ko sila nakita.  Madalas ko naman silang nakikita at baka pamilyar din ako sa kanila (or feeling ko lang iyon).  Hindi kami personally na magka-kilala.  Dati, mag-bf-gf pa lang sila nun.  Nung minsan habang naglalakad, naabutan ko pa sila sa may parkingan.  Palagi kong nakikitang pinagbubuksan muna ni lalaki ng pinto si babae.  Nag-stick siya sa isip ko.  Pero tuwing makikita ko sila sa simbahan, inaantabayanan ko ang pangyayaring iyon.  I was still in highschool that time and they were already in college.

Marami ang Misa sa amin kaya di na ako magtataka kung hindi na ako makakakita ng familiar faces.  Pero ang tao talaga ay isang consistent being,  Kung minsan hindi sila mag-sisimba sa kanilang usual time, babalik at babalik pa rin sila sa kanilang nakasanayan.

Nitong huling mga Lingo, nakita ko ulit sila.  Wow, at sila pa rin.  I was thinking that probably they are already married.  At biglang may naisip na naman ako.  Abangan ko kaya hanggang makasakay sila sa kotse.  May nagbago.  They got older.  May konting white hair na si guy.  Nagkaroon ng konting laman si girl.  Iba na ang kotse nila.  Di ko sure kung may anak na sila.  Parang wala pa.  Sila lang dalawa.  At siyempre, yung pinaka-aabangan ko.  Yes, and the guy still opens the door for the girl.  That scene made me smile.  I checked the internet.  They are married.  Isa yun sa pinapangarap kong traits sa isang lalaki.  Ang pagiging genuine gentleman.  Yan ang commitment.  All these years, naniniwala akong marami na silang ups and downs.  Pero nung makita kong pinagbuksan ni guy si girl ng pinto kotse, that is a lifetime commitment.  Iba ang wood door sa car door.

 

 

Elevator

6:00 PM na.  Isa-isa kaming nag-badge out ng aming mga time card.  Sabay-sabay kaming lumabas papuntang elevator habang nag-kakantyawan.  Pinindot na ang down button ngunit matagal ang pagbaba nito.  Napansin namin na parang nagtatagal ang elevator sa 8th floor.  At bumukas na sa aming harap ito.  Akala ko marami, konti lang pala.  Masayado kasing nagtagal sa taas.  Akala ko tuloy puno.

Sa pagpasok ko ng elevator ay napansin na kita.  Nakikita kong nasiksik ka at parang naaaliw habang nakikinig at pinapanood ang aming pangangantyaw sa isa’t-isa.  Inuulit ko.  Your presence caught my attention.

Isang umaga, nagkasabay tayo sa pagpasok ng elevator.  Pinindot ko ang 5, pinindot mo ang 8.  May mga iba pang pagkakataon na nagkakasabay tayo sa elevator.  Patay-malisya na lang ako kahit iba ang epekto mo sa akin.

February 1.  Tandang-tanda ko.  Tinatamad akong magkabit ng contact lens kaya nakasalamin ako.  Pumasok ako at pinindot ko ang 5.  Pumasok ka rin.  Pumasok ka lang.  Dalawa lang tayo doon.  Nung nasa 3rd floor na, tinitignan kita.  Nangungusap ang aking mata.  Nagpapahiwatig na may gusto akong itanong.  “Lutang ka ba? At bakit hindi ka pumindot ng floor?”  Gusto kong pindutin ang 8.  Pero baka mapagkamalan mo akong stalker at matakot ka sa akin.  Ilang ulit kong binaling ang aking tingin mula sa iyo at sa pindutan ng floors ng elevator.  Dinedma mo lang ako. Napa-isip ako, “gusto mo bang sumama sa akin?”

February 10.  Parang late ka ata.  Tumingin ako sa iyo.  Tumingin ka rin sa akin.  Gusto ko sanang sumabay sa elevator na sinasakyan mo.  Pero may kasama ako.  Gusto niya sa kabila na lang para walang trapik.

Di kita kilala.  Hindi pa.  Hindi pa dumating sa point na i-re-research kita.

Interesado ako sa iyo.  But please don’t take it in a creepy way.  Gusto kitang makilala.  Gusto kitang bigyan ng atensyon.

Pauwi na ako.  At sa pagbukas ng elevator nandoon ka.  May kausap na babae.  Mukha naman siyang ka-trabaho mo.  Di ako makatingin sa iyo.  Gusto kong mapansin mo ako.  At nag-cr ka.  Patawid na ako.  Matagal matapos ang mga sasakyan.  Patingin-tingin ako baka sakaling lumabas ka na ng building.  At lumabas ka na nga.  Sabay pala tayong tatawid.  Halos sabay din tayong naglalakad.  Hindi ko alam kung napansin mo.  Pero iniisip ko, “Sinasabayan mo ba ako?”  Sabay tayong naglakad hanggang Pasong Tamo.  Hindi ko na tinignan kung pa-saan ang destinasyon mo mula doon.  Pinigil ko ang sarili kong pansinin ang gagawin mo.  Madaya.  Yan ang lagi kong hinanaing kay God.  Bakit ako na naman ang nakakita?  Lagi na lang ako ang una.  Laging one-sided.  Laging unrequited.  Sana makita mo rin ako.  At ikaw ang unang makakita.