Monthly Archives: March 2016

Multitasking

Natural lang naman na makaramdam ang tao ng pagod.  Ako napapagod din naman.  Mas na-aangkop na salita ay exhausted.  Wala akong makitang tagalog na swak diyan kaya in-ingles ko na lang,  Bakit ba ako napapagod? Malamang gasi gumagalaw ako at nagagamit ko yung mga stored energy ko.  Ang cellphone nga na-lo-low bat, tao pa kaya?  Ang cellphone, pag naka-standby mode, minsan tumatagal ng ilang araw.  SIge, gamitin yan sa text, call, makinig ng music, manood ng video, at iba pang mga apps.  Wala pang 2 oras, kailangan ng mag-charge.

Kaya, okay lang na sabihin kong nakakapagod din.  Hindi ko sinasabing nakakapagod ng mabuhay,  Baka kung anong isipin ng makakabasa nito.  Nakakapagod rin ang mga ginagawa ko sa buhay.  Nagtratrabaho ako, tapos nag-aaral.  Naglalakbay ako papasok sa opisina, katulad din sa pag-uwi ng bahay.

Dati, nakatira lang ako malapit sa trabaho.  Pero napapagod din naman ako.  Pagkatapos ng trabaho, papasok naman ako sa eskuwelahan.  Tuluy-tuloy ang gamit ng utak.  Nakakayanan ko naman ang pressure at nagagampanan ko rin naman ang pagiging estudyante.  Makinig ng lecture, gumawa ng assignments, mag-submit ng reports, at marami pang iba.  Nakakayanan ko kahit madalas lagi akong gising sa gabi at pa-idlip-idlip lang ang pahinga.

Nagkaroon ako ng pagkakataon maging full-time na student para matapos na ako. Pero parang dun nag-start na nawawalan na ako ng ganang ipagpatuloy.  Nag-try ako ng ibang mga paraan para ma-gauge ko ang feelings ko para dito.  Napag-desisyunan ko na bumalik sa workforce.  Baka sakaling manumbalik ang motivation ko, gaya ng dati.

Nakakita naman ako ng bagong mapapasukan.  Kung sweldo ang pag-uusapan, huwag na natin itong pagtuunin ng pansin.  Pwede kong tapusin ang thesis ko kapag weekend sana.  Kaso, nandyan yung paglalaba at iba pang mga gawain.  Dati kasi nagpapa-laundry lang ako.  Parang mas nakakaramdam ako ng pagod at ang weekend mas maraming tulog ang ginagawa ko.  Pagod na rin ako sa gabi kapag weekdays kaya natutulog lang din ako agad kapag dumadating sa bahay.

Kapag breaktime nga sa opisina, hindi nga ako makapag-basa ng readings ko.   Parang hindi ko na nararamdaman na may purpose pa yung ginagawa ko bilang isang estudyante.  Noong kasisimula pa lang ng taong ito, sumubok akong mag-revise ng paper ko.  Pero parang wala lang pinatunguhan. Naguguluhan lalo ako.

Ngayon, madalas kong tanong kay God, “Gusto ko pa ba, Lord?  Gusto niyo pa po ba para sa akin ito?  Bakit parang ayaw ko na?”  Naglalaro sa mga ganong statements ang tanong ko sa Panginoon.

May kaibigan akong payaso.  Kinausap ko siya tungkol dito.  Maganda ang point niya.  Isa-isa lang.  Hindi pwedeng lahat ng gusto ko at the same time ko makukuha.  Alam ko dapat ang limitations ko.  Hindi ako dapat maging control freak.

Punch line niya: Live the present moment.  Let go.  And Let God.

Magpasalamat tayo sa Panginoon na may mga taong ginagawang kasangkapan Niya upang maging gabay sa atin kung saan tayo nararapat.

Sirang Elevator

Napapadalas na ang pag-kasira ng elevator.  Kasing dalas ng pagkikita natin.  Nagkakataon lang ba, o talagang sinasadya ng tadhana?  Madalas titigan lang ang ginagawa natin.  Poker face lang tayo kaya hindi ko ma-de-describe na “nangungusap ang ating mga mata.”  Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang magkaroon ng pakiramdam ng pagka-ilang tuwing nakikita kita.  Ni hindi pa nga tayo nag-uusap.  Hindi pa kita kinakausap.  Parang ikaw lang ang hindi ko makausap na ako ang unang nag-aapproach,  Kapag may mga nakakasabay tayo, bukod tanging ikaw lang ang hindi ko pinapansin.  Hindi ko alam kung nakakaramdam ka ng ganito.

Mahal? Ano nga ba ang pag-ibig?  Mahirap i-explain at elaborate kung ito nga ba ang nararamdaman ko.  May kakilala ako, may asawa na pero nakaka-appreciate pa rin naman ng iba.  Na-a-appreciate lang ba kita o gusto kita?  Hindi ko sinasabing may asawa na ako ha.  May gusto akong tao.  Sa tingin ko gusto ko siya na gustung-gusto.  Hindi ko nga lang alam kung gusto niya rin ako.  Parang gusto rin kita.  Or yung payong mong favorite ko yung color?  Ni hindi ko nga alam ang pangalan mo or kung may fb ka.  Feeling ko kasi tuwing nagkikita tayo, eye to eye contact talaga na parang may gusto kang sabihin.

Pero gusto ko yung style mo.  Ikaw ang unang nag-salita.  Hindi ko naramdaman na kailangang mag-effort ako na magkaroon tayo ng interaction.  Kahit may konting attraction ako sa iyo, hinayaan kitang mag-mando.  At nag-go with the flow lang ako.  Medyo may hang-over pa rin ako sa pagsasalita mo.  Though alam kong nagsasalita ka naman talaga kasi nakita kita/narinig kitang nakikipag chismisan.  Pero kasi you give this aura na may pagkamahiyain at hindi mahilig mag-inititate ng isang conversation.  Dalawa lang tayo nung time na iyon.  May kilig factor din yun kaya sana napansin mo yung super smile ko sa iyo nun.