Category Archives: Ako, Ikaw… Tayo

Shoga

Shoga, dahil ikaw ay kulay ginger. Hindi ako sanay sa biglaan…

Noong nakaraang gabi lamang ay masigla kang sumalubong habang inihahain ko ang inyong hapunan. Ano kaya ang nangyari loob ng kumulang na 12 oras…?

Hindi ka sumalubong para sa agahan. Hinanap kita at natagpuang parang may malalim na iniisip. Ganyan din ang naramdaman mo dati kaya inihiwalay muna kita sa iyong pamilya subalit nagpapahiwatig ka na parang gusto mo silang kasama. Inisip kong obserbahan ka muna baka lang may nakain ka at busog ka pa. Sinilip kita at tila ikaw ay nagtago at nagpapahinga. Sinilip muli kita at umalis ka sa pinag-iwanan ko sa iyo. At nakita na kita, nakatago sa isang tagong lugar. Sana hindi ka nasaktan o nahirapan. Iyon na pala ang huli kong pag-karga sa iyo. Salamat Shoga!

Listahan

Tuwing may naiisip ako, lagi kong nililista ang mga bagay na sa tingin ko ay kailangan kong balik-balikan. Madalas kasing nakakaranas ako ng short-term memory. Kung kaya’t maraming mga bagay na madali kong malimutan. Nakaka-impluwensya rin sa aking pagkalimot ay ang pagiging distracted. Madali akong madistract at magulat na nakakawala ng focus sa aking pag-iisip.

Lahat ng kailangang gawin o sabihin ay nililista ko. Naalala ko pa nga na pati pagkakasunod ng mga isusuot kong damit ay nakalista. Mga kailangang aralin at i-google ay aking nililista na rin. Marami akong listahan. At sa aking pagtanda, unti-unti ring nabawasan ang aking listahan. Natira na lang ay ang mga kailangang bilhin sa grocery at mga kailangang gawin sa pang-araw-araw.

Magagamit din kaya natin ang listahan upang makamit ang kasiyahan? Gumagamit tayo ng siyensya partikular dito ang statistics upang makarating tayo sa isang siyentipikong panghuhula. Maaari ba nating mahulaan kung sino ang para sa atin? Naalala ko noon na laging sinasabi na ang hula ay isang gabay lamang. Lagi tayong mananalig sa biyaya ng Poong Maykapal. Kung ano ang loob Niya, siya ring magaganap.

Ang pag-ibig ay hindi isang thesis na may hypothesis. Hindi ito ginagawan ng quantitative analysis upang makapag-bigay ng conclusion at description ng isang mag-ka-partner. Ngunit bakit pinanghahawakan pa rin natin ito? Dahil ito ay nakasulat. Nakalista na maaaring balik-balikan upang mapag-isipan kung mayroon bang pagkukulang?

Walang pagkukulang. Baka sadyang hindi pa lang napapanahon. Paano kung ito pala ang biyaya? Mararamdaman natin iyan. Kailangan lang nating manalig na ang ating nais ay ang nais din sa ating ng Panginoon.

Hindi madali at madalas ay nakakapagod. Pero ito ang ating dapat gawin. Magampanan ng mabuti ang loob ng Panginoon.

Zone

Nung kasagsagan ng mga relationship status, nauso ang “friend zoned.”  Hindi lang dito sa Pilipinas.  Kundi maging sa iba’t-ibang bansa ginagamit ang “friend zoned” status.  Malamang sa malamang maaaring naranasan mo na ito.  Oo, ikaw, na nagbabasa nito.  Hindi ka naman makakapunta dito kung hindi mo gi-noogle ang “friend zone.”

Dumating sa punto na nag-update ung Facebook messenger kaya nagkaroon ng seen zoned.  Nandiyan din ang delivered zoned at received zone.  Hindi ka pa maiinis kung nakita mong ang status message mo ay delivered zoned.  Ito yung white filled pa yung message status mo.  Nagpapahiwatig lang ito na ang recipient mo ay hindi naka-online at hindi pa nakikita yung message mo.  Medyo masasaktan ka kapag received zoned.  Nag-darkened na yung message status mo.  Standard nito ay color blue.  Pero kung close kayo, napalitan mo na ang kulay nito.  Ang received zoned ay nagpapahiwatig na nag-popped up na sa notification tab niya yung message mo.  Nabasa na niya ang content nito.  Kung msyado mahaba ang message mo, na preview na niya.  Nakabold ito sa messenger niya at hindi pa niya in-oopen.  Maaari rin itong tawaging read zoned.  Ang susunod ay ang mas masakit.  Ang seen zoned.  Nabasa na niya ang message mo at naopen na niya ng buong buo.  Kung pwede namang hindi magreply sa message mo, huwag ng sumama ang loob.  Pero kung nagtanong ka at na-seen zoned ka, aba mag-isip-isip ka na.  Kahit man lang emoticon, hindi nag-effort mag-reply.  Meron na ngang message reaction kung ayaw talagang pindutin kahit yung default na like icon.  Again, kung close kayo, napalitan na ang default na like icon sa pm’s niyo.

Siyempre, kung na-seen zoned ka, tapos active now pa siya, ano na ang mararamdaman mo? May mga memes ngayon na nagsasabi na hindi porke’t active now, eh active talaga.  Sa aking obserbasyon, active talaga siya sa messenger sa mga panahong iyon.  Kasi may idle time naman ang messenger.  Kahit online ka, pero hindi ka kumakalikot ng messenger, eh hindi ka ma-a-active now.

Ang tanong ko, ano ba ang mas masaklap? Ang ma-friend zoned? or Ang ma-brad zoned?

Kalayaan

Kalayaan…  Kapag maririnig ko ito, isa sa mga maaalala ko ay ang huli kong pinag-trabahuhan.  Kalayaan building kasi yun.

Ang kalayaan ay isang pangngalan.  Yes, double “ng” talaga.  Tagalog ng noun.  Pero, para sa akin, isa itong pakiramadam.  Ito ang naramdaman ko dalawang taon na ang nakalilipas.  Pumunta ako sa isang lugar kung saan gawin ko ang mga bagay sa abot ng aking makakaya.  Na walang dinidiktang dapat kong matapos.  May pressure din kasi lahat ng mga nakakasalamuha ko dun ay mga magagaling.  Pero siguro hindi ko naramdaman na ka-kompitensya ko sila.  Hindi ko kailangan maging “achiever”.  Malamang ay dahil hindi iyon ang mundo ko.  Isang bakasyon para sa akin ang mga panahong iyon.  Bakasyon na maaari ko ring maituring na isang retreat.  Isang paraan na manumbalik ang aking spiritual na lakas.  Lumayo sa aking “routinal” na gawain.  Ngunit kinailangan kong bumalik sa aking tunay na mundo.  Hindi ko nga lang alam kung ano ba ang dapat kong balikan ng mga panahong yun.

May hinarap ako.  Akala ko iyon na dapat.  Nagustuhan ko naman.  Pero bakit parang nag-mistulang ningas kugon ang nangyari.  Ayaw ko na sa dating gustung-gusto ko.  Sa sobrang gusto na yun lang ang focus ng buhay ko.  At ang isip kong alisin ang lahat ng hahadlang sa nais kong ito.

Bago ako pumasok sa lugar ng kalayaan, may nakausap akong tao.  Pinayuhan niya akong bumalik sa inaakala kong tapos na.  Hindi ko ito masyadong pinakinggan at pinagpursige ko kung ano ang akala kong gusto ko.

Dalawang taon na ang nakakalipas.  Gusto kong bumalik sa pakiramdam kung saan hindi ako natatalo ng stress.  Hindi ko alam kung ano ba talaga.  Ayoko na ng dati kong gusto.  At ngayon sinusubukan kong harapin ang payo na ibinigay sa akin.  Hindi ko alam kung gusto ko ito… Ngunit hindi ko rin naman sinasabi na ayaw ko ito.

Kung possible lang sanang ipagpatuloy ang naiwan ko dalawang taon ng nakakaraan.  Gusto kong bumalik sa iyo… Ito rin ba ang gusto ng Panginoon para sa akin…?

Tears of Emotion

Dalawang taong nakakaraan, nakapunta ako sa isang di inaasahang lugar. Dito ako nakadama ng sobrang kapayapaan, puno ng focus, at gaan ng loob.

Sa panahon ng aking pamamalagi, may nabasa akong isang sanaysay. Naramdaman ko ang sinseridad at emosyon ng manunulat. Tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata habang patuloy kong itong binabasa.

Ito’y isang alaalang naging bahagi na kung ano ako ngayon.

At sa hindi na namang inaasahang pagkakataon, may nabasa na naman ako. Mga pangungusap na tumagos na naman sa aking damdamin. Mga salitang nagpapahiwatig ng pamamaalam, pagbabago, at pagtanggap ng biyaya ng Panginoon.

Hindi ko maisip kung ano ang dahilan ng pag-agos ng aking mga luha. Lungkot? Dalamhati? Pakikiramay? Puno ng suporta? Bakit ako nakakaisip ng ganitong emosyon na alam kong hindi naman ako dapat apektado? Hindi ko naman pwedeng sabihin na ramdam ko ang nararamdaman mo. Literal na malayo ako at hindi ko na alam ang mga kaganapan. Itinuturing na kitang bahagi ng aking personal na paglalakbay. Maraming salamat sa lahat.

Okay lang ‘yan. God is patient. Lagi siyang naghihintay sa atin.

Multitasking

Natural lang naman na makaramdam ang tao ng pagod.  Ako napapagod din naman.  Mas na-aangkop na salita ay exhausted.  Wala akong makitang tagalog na swak diyan kaya in-ingles ko na lang,  Bakit ba ako napapagod? Malamang gasi gumagalaw ako at nagagamit ko yung mga stored energy ko.  Ang cellphone nga na-lo-low bat, tao pa kaya?  Ang cellphone, pag naka-standby mode, minsan tumatagal ng ilang araw.  SIge, gamitin yan sa text, call, makinig ng music, manood ng video, at iba pang mga apps.  Wala pang 2 oras, kailangan ng mag-charge.

Kaya, okay lang na sabihin kong nakakapagod din.  Hindi ko sinasabing nakakapagod ng mabuhay,  Baka kung anong isipin ng makakabasa nito.  Nakakapagod rin ang mga ginagawa ko sa buhay.  Nagtratrabaho ako, tapos nag-aaral.  Naglalakbay ako papasok sa opisina, katulad din sa pag-uwi ng bahay.

Dati, nakatira lang ako malapit sa trabaho.  Pero napapagod din naman ako.  Pagkatapos ng trabaho, papasok naman ako sa eskuwelahan.  Tuluy-tuloy ang gamit ng utak.  Nakakayanan ko naman ang pressure at nagagampanan ko rin naman ang pagiging estudyante.  Makinig ng lecture, gumawa ng assignments, mag-submit ng reports, at marami pang iba.  Nakakayanan ko kahit madalas lagi akong gising sa gabi at pa-idlip-idlip lang ang pahinga.

Nagkaroon ako ng pagkakataon maging full-time na student para matapos na ako. Pero parang dun nag-start na nawawalan na ako ng ganang ipagpatuloy.  Nag-try ako ng ibang mga paraan para ma-gauge ko ang feelings ko para dito.  Napag-desisyunan ko na bumalik sa workforce.  Baka sakaling manumbalik ang motivation ko, gaya ng dati.

Nakakita naman ako ng bagong mapapasukan.  Kung sweldo ang pag-uusapan, huwag na natin itong pagtuunin ng pansin.  Pwede kong tapusin ang thesis ko kapag weekend sana.  Kaso, nandyan yung paglalaba at iba pang mga gawain.  Dati kasi nagpapa-laundry lang ako.  Parang mas nakakaramdam ako ng pagod at ang weekend mas maraming tulog ang ginagawa ko.  Pagod na rin ako sa gabi kapag weekdays kaya natutulog lang din ako agad kapag dumadating sa bahay.

Kapag breaktime nga sa opisina, hindi nga ako makapag-basa ng readings ko.   Parang hindi ko na nararamdaman na may purpose pa yung ginagawa ko bilang isang estudyante.  Noong kasisimula pa lang ng taong ito, sumubok akong mag-revise ng paper ko.  Pero parang wala lang pinatunguhan. Naguguluhan lalo ako.

Ngayon, madalas kong tanong kay God, “Gusto ko pa ba, Lord?  Gusto niyo pa po ba para sa akin ito?  Bakit parang ayaw ko na?”  Naglalaro sa mga ganong statements ang tanong ko sa Panginoon.

May kaibigan akong payaso.  Kinausap ko siya tungkol dito.  Maganda ang point niya.  Isa-isa lang.  Hindi pwedeng lahat ng gusto ko at the same time ko makukuha.  Alam ko dapat ang limitations ko.  Hindi ako dapat maging control freak.

Punch line niya: Live the present moment.  Let go.  And Let God.

Magpasalamat tayo sa Panginoon na may mga taong ginagawang kasangkapan Niya upang maging gabay sa atin kung saan tayo nararapat.

Sirang Elevator

Napapadalas na ang pag-kasira ng elevator.  Kasing dalas ng pagkikita natin.  Nagkakataon lang ba, o talagang sinasadya ng tadhana?  Madalas titigan lang ang ginagawa natin.  Poker face lang tayo kaya hindi ko ma-de-describe na “nangungusap ang ating mga mata.”  Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang magkaroon ng pakiramdam ng pagka-ilang tuwing nakikita kita.  Ni hindi pa nga tayo nag-uusap.  Hindi pa kita kinakausap.  Parang ikaw lang ang hindi ko makausap na ako ang unang nag-aapproach,  Kapag may mga nakakasabay tayo, bukod tanging ikaw lang ang hindi ko pinapansin.  Hindi ko alam kung nakakaramdam ka ng ganito.

Mahal? Ano nga ba ang pag-ibig?  Mahirap i-explain at elaborate kung ito nga ba ang nararamdaman ko.  May kakilala ako, may asawa na pero nakaka-appreciate pa rin naman ng iba.  Na-a-appreciate lang ba kita o gusto kita?  Hindi ko sinasabing may asawa na ako ha.  May gusto akong tao.  Sa tingin ko gusto ko siya na gustung-gusto.  Hindi ko nga lang alam kung gusto niya rin ako.  Parang gusto rin kita.  Or yung payong mong favorite ko yung color?  Ni hindi ko nga alam ang pangalan mo or kung may fb ka.  Feeling ko kasi tuwing nagkikita tayo, eye to eye contact talaga na parang may gusto kang sabihin.

Pero gusto ko yung style mo.  Ikaw ang unang nag-salita.  Hindi ko naramdaman na kailangang mag-effort ako na magkaroon tayo ng interaction.  Kahit may konting attraction ako sa iyo, hinayaan kitang mag-mando.  At nag-go with the flow lang ako.  Medyo may hang-over pa rin ako sa pagsasalita mo.  Though alam kong nagsasalita ka naman talaga kasi nakita kita/narinig kitang nakikipag chismisan.  Pero kasi you give this aura na may pagkamahiyain at hindi mahilig mag-inititate ng isang conversation.  Dalawa lang tayo nung time na iyon.  May kilig factor din yun kaya sana napansin mo yung super smile ko sa iyo nun.

Commitment

Sa matagal kong pag-aaral, natutunan ko ang 5 C’s na sumisimbolo sa Lasallian Star.  Ito ay: Confident, Competent, Christian, Committed, Compassionate.  Upang hindi namin makalimutan, gagamitan namin ito ng kamay.  Mula sa hinlalaki pakanan, dito magsisimula ang aming pagkakabisa.  Approved sign ang gamit ng hinlalaki kaya ito ang analogous ng pagiging confident.  Ang hintuturo ay may makakagawa ng number 1 sign, meaning nangunguna, kaya sinisimbulo nito ang pagiging competent.  Ang panggitnang daliri ay sumisimbulo ng pagiging Kristiyano sapagkat ang mga ginagawa natin ay dapat Christ-centered.  Ang palasinsingan ang pinaglalagyan natin ng singsing  na nagpapakita sa tao na tayo ay committed.  At ang ating hinliliit, dahil pinakamaliit, pinapaalala sa atin ang pagkakaroon ng compassion lalo na sa mga nakababa sa atin.

Balik tayo sa Commitment.  Ang isa sa pang-habangbuhay nating commitment ay pag-profess ng vow.  Isa dito ang Marriage.  It is not about getting married.  It is about staying married.

Maraming taon ang nakakaraan, may nakita akong 2 senpais.   Sa aming Parokya ko sila nakita.  Madalas ko naman silang nakikita at baka pamilyar din ako sa kanila (or feeling ko lang iyon).  Hindi kami personally na magka-kilala.  Dati, mag-bf-gf pa lang sila nun.  Nung minsan habang naglalakad, naabutan ko pa sila sa may parkingan.  Palagi kong nakikitang pinagbubuksan muna ni lalaki ng pinto si babae.  Nag-stick siya sa isip ko.  Pero tuwing makikita ko sila sa simbahan, inaantabayanan ko ang pangyayaring iyon.  I was still in highschool that time and they were already in college.

Marami ang Misa sa amin kaya di na ako magtataka kung hindi na ako makakakita ng familiar faces.  Pero ang tao talaga ay isang consistent being,  Kung minsan hindi sila mag-sisimba sa kanilang usual time, babalik at babalik pa rin sila sa kanilang nakasanayan.

Nitong huling mga Lingo, nakita ko ulit sila.  Wow, at sila pa rin.  I was thinking that probably they are already married.  At biglang may naisip na naman ako.  Abangan ko kaya hanggang makasakay sila sa kotse.  May nagbago.  They got older.  May konting white hair na si guy.  Nagkaroon ng konting laman si girl.  Iba na ang kotse nila.  Di ko sure kung may anak na sila.  Parang wala pa.  Sila lang dalawa.  At siyempre, yung pinaka-aabangan ko.  Yes, and the guy still opens the door for the girl.  That scene made me smile.  I checked the internet.  They are married.  Isa yun sa pinapangarap kong traits sa isang lalaki.  Ang pagiging genuine gentleman.  Yan ang commitment.  All these years, naniniwala akong marami na silang ups and downs.  Pero nung makita kong pinagbuksan ni guy si girl ng pinto kotse, that is a lifetime commitment.  Iba ang wood door sa car door.

 

 

Elevator

6:00 PM na.  Isa-isa kaming nag-badge out ng aming mga time card.  Sabay-sabay kaming lumabas papuntang elevator habang nag-kakantyawan.  Pinindot na ang down button ngunit matagal ang pagbaba nito.  Napansin namin na parang nagtatagal ang elevator sa 8th floor.  At bumukas na sa aming harap ito.  Akala ko marami, konti lang pala.  Masayado kasing nagtagal sa taas.  Akala ko tuloy puno.

Sa pagpasok ko ng elevator ay napansin na kita.  Nakikita kong nasiksik ka at parang naaaliw habang nakikinig at pinapanood ang aming pangangantyaw sa isa’t-isa.  Inuulit ko.  Your presence caught my attention.

Isang umaga, nagkasabay tayo sa pagpasok ng elevator.  Pinindot ko ang 5, pinindot mo ang 8.  May mga iba pang pagkakataon na nagkakasabay tayo sa elevator.  Patay-malisya na lang ako kahit iba ang epekto mo sa akin.

February 1.  Tandang-tanda ko.  Tinatamad akong magkabit ng contact lens kaya nakasalamin ako.  Pumasok ako at pinindot ko ang 5.  Pumasok ka rin.  Pumasok ka lang.  Dalawa lang tayo doon.  Nung nasa 3rd floor na, tinitignan kita.  Nangungusap ang aking mata.  Nagpapahiwatig na may gusto akong itanong.  “Lutang ka ba? At bakit hindi ka pumindot ng floor?”  Gusto kong pindutin ang 8.  Pero baka mapagkamalan mo akong stalker at matakot ka sa akin.  Ilang ulit kong binaling ang aking tingin mula sa iyo at sa pindutan ng floors ng elevator.  Dinedma mo lang ako. Napa-isip ako, “gusto mo bang sumama sa akin?”

February 10.  Parang late ka ata.  Tumingin ako sa iyo.  Tumingin ka rin sa akin.  Gusto ko sanang sumabay sa elevator na sinasakyan mo.  Pero may kasama ako.  Gusto niya sa kabila na lang para walang trapik.

Di kita kilala.  Hindi pa.  Hindi pa dumating sa point na i-re-research kita.

Interesado ako sa iyo.  But please don’t take it in a creepy way.  Gusto kitang makilala.  Gusto kitang bigyan ng atensyon.

Pauwi na ako.  At sa pagbukas ng elevator nandoon ka.  May kausap na babae.  Mukha naman siyang ka-trabaho mo.  Di ako makatingin sa iyo.  Gusto kong mapansin mo ako.  At nag-cr ka.  Patawid na ako.  Matagal matapos ang mga sasakyan.  Patingin-tingin ako baka sakaling lumabas ka na ng building.  At lumabas ka na nga.  Sabay pala tayong tatawid.  Halos sabay din tayong naglalakad.  Hindi ko alam kung napansin mo.  Pero iniisip ko, “Sinasabayan mo ba ako?”  Sabay tayong naglakad hanggang Pasong Tamo.  Hindi ko na tinignan kung pa-saan ang destinasyon mo mula doon.  Pinigil ko ang sarili kong pansinin ang gagawin mo.  Madaya.  Yan ang lagi kong hinanaing kay God.  Bakit ako na naman ang nakakita?  Lagi na lang ako ang una.  Laging one-sided.  Laging unrequited.  Sana makita mo rin ako.  At ikaw ang unang makakita.